-- Advertisements --

Pumalo na sa 26 katao ang patay sa malawakang pagbaha sa Jakarta, Indonesia.

Ito na ang pinakamatinding pagbaha na naranasan sa lugar mahigit 20 taon na ang nakakaraan dahil sa malakas na pag-ulan.

Mahigit 62,000 residente rin ng Jakarta ang inilikas.

Mula kasi Enero 1 ay walang tigil pa rin ang pag-ulan sa malaking bahagi ng lugar.

Tiniyak naman ni Indonesian President Joko Widodo na prioridad nila na mabigyan ng agarang evacuation center ang mga inilikas na residente.

Sinisi rin ng pangulo ang pagkakaantala ng flood control infrastructure projects mula pa noong 2017 para malabanan ang pagbaha.