-- Advertisements --

Umakyat na sa 86 katao ang patay na nakita sa gumuhong 12 palapag na gusali sa Surfside,Miami.

Ayon kay Florida Fire Marshall at Chief Financial Officer Jimmy Patronis, bumilis ang pag-recover nila ng mga bangkay mula ng gibain nila ang bahagi ng tower na nakatayo.

Sa nasabing bilang ay 62 lamang ang kanilang nakilala na.

Sinabi naman ni Miami-Dade Mayor Daniella Levine Cava, nagsasagawa sila ng corss referencing sa mga pangalan mula sa listahan ng mga residente sa US Postal Service at driver’s license information para mabilis nilang makilala ang mga biktima.

Magugunitang gumuho ang gusali noong Hunyo 24 kung saan patuloy ang ginagawang imbestigasyon ang mga otoridad.