-- Advertisements --
lebanon beirut cyprus

Mahigit na 100 ang patay at mahigit na rin sa 4,000 ang mga naitatalong sugatan sa nangyaring malakas na pagsabog sa Beirut port sa Lebanon.

Ito ang iniulat ngayon ng Lebanese Red Cross.

Ayon kay George Kettaneh, ang head ng Lebanese Red Cross, maaaring mahigit pa ang maitatala nila na bilang ng mga biktima.

Una nang sinabi ni Health Minister Hamad Hassan kaninang umaga na meron silang nailista na 78 katao na patay at mahigit 3,000 katao naman ang sugatan kasunod ng malakas na pag.

Ang libu-libong mga biktima ay dinala sa iba’t ibang pagamutan.

Pero sinasabing punuan na ang mga health facilities at ang iba ay sinira pa ng malakas na pagsabog.

Samantala, nagpakalat na rin ng mga rescuers sa lugar para iligtas ang mga naiipit pa sa pagsabog.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, sumabog ang isang bodega na pinaglagyan ng mga nakumpiskang mga pampasabog.

Tiniyak naman ni Prime Minister Hassan Diab na kaniyang pananagutin ang sinumang nasa likod ng pagsabog.

Hindi rin nakaligtas ang Baabda Palace, ang official residence ng Lebanese president.

Kasunod din nito, nagdeklara na siya ng national day of mourning sa nangyaring pagsabog.

Naramdaman ang nasabing pagsabog sa 240 kilometers maging sa isla ng Cyprus at ilang katabing lugar ng Beirut.

Dahil sa sobrang lakas ng dagundong nagdulot pa raw ito ng seismic waves na katumbas ng 3.3 magnitude.

Samantala, nagpaabot naman ng mensahe ang Amerika, Australia, Germany, France at iba pang mga bansa sa kahandaan nilang tumulong para sa mga biktima.