-- Advertisements --

Pumalo na sa 31 katao ang nasawi sa magkakahiwalay na pagsabog sa military base sa port city ng Bata sa Equatorial Guinea.

Ayon sa health ministry ng bansa na mayroong 400 na iba pa ang nasugatan sa insidente.

Labis na nasira ang mga gusali na nakapalibot sa nasabing lugar.

Galing umano ang pagsabog sa nakaiimbak na mga pampasabog sa nasabing military base.

Isinisi naman ni President Teodoro Obiang Nguema Mbasogo ang military dahil sa hindi tamang pag-imbak ng mga bomba na nakatago sa kanilang bases.

Itinuturing na isa sa pinakamaliit n bansa sa Africa ang Equatorial Guinea na mayroong 850,000 na residente lamang.