-- Advertisements --

Pumalo na sa 74 n ang patay sa Kentucky dahil sa pananalasa ng mga tornado.

Sinabi ni Kentucky Governor Andy Beshear na ang nasabing bilang ay mula sa emergency management officials at inaasahan na madadagdagan pa ito dahil sa marami pa ang nawawala.

Sinabi nito na hindi bababa sa apat na tornado ang dumaan sa Kentucky na ang isa ay nag-landfall pa na may bilis na 200 miles per hour.

Nakatakda namang bumisita sa lugar ng mga sinalanta si US President Joe Biden sa darating na Disyembre 15.

Ayon naman sa National Weather Service na mayroong 50 tornadoes ang nanalasa sa walong estado noong nakaraang araw na kinabibilangan ng Missouri, Illinois, Kentucky at Arkansas.