-- Advertisements --
Pumalo na sa 26 katao ang napatay dahil sa patuloy na kaguluhan sa Iraq.
Sa nasabing bilang 20 dito ang napatay ng mga security forces ng sila ay barilin sa Nasiriya city.
Habang ang iba ay napatay sa Baghdad kung saan nandoon ang sinunog na consulate.
Inanunsiyo ng Iraqi military na maglalagay sila ng “crisis cell” kung saan dito nila ilalagak ang mga maarestong protesters.
Magugunitang noong nakaraang buwan ay nagsagawa ng kilos protesta ang mga mamamayan ng Iraq na dahil sa patuloy na kurapsyon at hiling nila ang mas maraming trabaho.