-- Advertisements --
Naglunsad na ng imbestigasyon ang military council ng Sudan sa naganap na military crackdown ng pro-democracy protesters.
Mula pa noong Lunes ay umabot na sa 100 bangkay ang kanilang natagpuan sa River Nile na sinasabing itinapon ng mga paramilitary Rapid Support Forces (RSF).
Sumiklab ang protesta mula ng patalsikin sa puwesto si President Omar al-Bashir.
Ang nasabing insidente ay kinondina ng iba’t-ibang bansa kabilang na ang United Nations sa pamumuno Secretary-General Antonio Guterres.