-- Advertisements --

Pumalo na sa 24 katao ang patay sa naganap na suicide bombing sa isang education center sa Afghanistan.

Pinasabog ng suspek ang bomba sa labas ng Kawsar-e Danish center sa Kabul.

Dahl sa pangyayari ay mayroong 57 katao rin ang nasugatan sa insidente.
Karamihang mga biktima ay nasa edad 15 at 26.

Inako naman ng ISIS ang nasabing pangyayaring pambobomba.