-- Advertisements --
Pumalo na sa 59 katao ang nasawi matapos na masunog ang isang nightclub sa North Macedonia.
Umabot din sa 155 katao ang sugatan sa pagkakasunog ng Pulse club na matatagpuan sa bayan ng Kocani kung saan tumugtog doon ang DNK isang sikat na hip-hop duo sa nasabing bansa.
Sinabi ni interior minister Pance Toskovski na mayroon na silang inilabas na arrest warrants sa apat na katao na maaring sangkot sa insidente.
Tinawag naman ni Prime Minister Hristijan Mickoski na isang napakalungkot na araw sa kanilang bansa at inatasan ang mga otoridad ng mabilisang imbestigasyon.