Maglulunsad na ng kanilang support programs ang United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF) at World Health Organization (WHO) para tugunan ang nagpapatuloy na problema sa tigdas.
Bunsod ito ng naitalang 315 na nasawi at mahigit 21,000 na nagpositibo sa loob lamang ng taong ito.
Pinakamarami pa rin sa mga biktima ng naturang sakit ay mga maliliit na batang hindi nabakunahan.
Batay sa inilabas na response plan ng UNICEF at WHO, magdaraos sila ng trainings para sa mga tauhan ng DoH upang mapalawak pa ang mga lugar na mararating ng pagbabakuna.
Pati ang monitoring ay kailangan din umanong mapaigting para sa mas maaga ang pagtugon, bago pa lumala ang problema.
Bibili rin ng mga pasilidad para sa mga paaralan, upang magamit ng mga estudyanteng hindi pa nabigyan ng measles vaccine.
“UNICEF and WHO are continuing to monitor the ongoing vaccination campaign to maximise the number of children covered. WHO is planning to support DoH withnationwide (refresher) training in the Philippines Integrated Disease Surveillance and Reporting (PIDSR) system, to improve rapid diagnosis and treatment of measles and other infectious diseases, as well as in the Expanded Program of immunization (EPI). WHO is looking into the possibility to recruit additional health workers to support with vaccination in remote areas. UNICEF will facilitate procurement of additional MR vaccines to cover school age vaccination activities,†saad ng UNICEF response plan.