Lomobo pa ang bilang ng mga namatay dahil sa sakit na tigdas sa buong kapulungan ngayong tumitindi ang tag-init.
Sa monitoring ng Philippine Red Cross (PRC), sinabi ni Chairman Richard Gordon sa panayam ng Bombo Radyo na 389 na ang mga nasawi dahil sa nasabing sakit.
Habang may kabuuang mahigit 28,000 naman ang mga nagpositibo sa tigdas mula noong Enero 2019.
“Masyadong malaki ang bilang na ito kumpara sa mga nakalipas na taon. Kaya ginagawa rin natin ang ating magagawa para matulungan ang ating mga kababayan,” wika ni Gordon.
Ayon kay Gordon, nananatili silang katuwang ng Department of Health (DoH), mula nang ideklara ang measles outbreak sa ilang rehiyon.
Naglagay ang PRC ng mga tent na may medical facilities para magsilbing extension ng mga ospital na napupuno na ng mga pasyenteng may tigdas.
Naging kaagapay din sila ng gobyerno sa massive vaccination program, lalo na sa malalayong barangay na walang access sa mga pagamutan at klinika.
Maliban dito, tinututukan din nila ang patuloy na pagdami ng dengue victims sa ating bansa.