-- Advertisements --
Iloilo sea tragedy
iloilo tragedy rescue

ILOILO CITY – Pumalo na sa 31 ang narekober na bangkay mula sa lumubog na 3pumpboat sa Iloilo Strait.

Nitong Martes ng umaga, dalawang lalaki ang narekober ng BRP Cape Engaño sa baybayin ng Dumangas, Iloilo at bandang hapon naman ay isang bata ang natagpuan na palutang lutang sa Brgy. Bolilao, Dumangas, Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Senior Chief Petty Officer Marlon Buenavista, sub station commander ng Philippine Coast Guard-Dumangas, sinabi nito na ang pinakahuling biktima ay dinala na sa punerarya.

Sa pinakahuling bilang, 2 na lang ang missing.

Samantala, ayon naman kay Lt. Junior Grade Cheribel Pugong, deck gunnery officer ng BRP Cape Engaño ng Philippine Coast Guard Western Visayas, pansamantala munang ititigil ang search and retrieval operations kasabay ng pagdating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Guimaras bukas.