-- Advertisements --
Major John Encinas
Major John Encinas/ FB image

Kinumpirma ng Western Mindanao Command (Wesmincom) na suicide bombers ang nasa likod ng dalawang pagsabog sa Indanan, Sulu kung saan umakyat na rin sa walo ang bilang ng mga nasawi.

Ayon kay Wesmincom spokesperson Maj. Arvin Encinas sa dalawang naitalang pagsabog tatlong sundalo ang nasawi, tatlong sibilyan at ang dalawang suicide bombers na mga lalaki.

Pumalo na rin sa 12 sundalo ang nasugatan.

Sinabi ni Encinas na nagtangkang pumasok sa kampo ang isa sa dalawang suicide bombers napigilan ito ng mga sundalo at naidetonate pero sumabog pa rin kaya kasamang napatay ang tatlong sundalo.

Habang ang isa pang suicide bomber ay nakapasok din sa gate ng kampo pero na neutralized ito pero pinasabog pa rin ng bomber kaya umabot sa 12 sundalo ang nasugatan.

Sa ngayon nasa proseso na ang militar sa pagtukoy sa pagkakakilanlan ng dalawang suicide bombers.