Umakyat na sa anim ang patay matapos masagasaan ang mga nasagawa ng Christmas parade sa Waukesha sa estado ng Wisconsin sa Amerika.
Pinakabagong naitalang namatay ang walong taong gulang na bata na nagngangalang Jackson Sparks.
Kasama rin sa nasagasaan ang kaniyang kapatid na si Tucker, 12-anyos.
Si Sparks ay nagmamartsa kasama ang kanyang baseball team nang siya ay nabangga ng kulay pulang sasakyan.
Hindi nakayanan ng biktima ang brain surgery dahilan ng kaniyang tuluyang pagpanaw.
Ang kanyang kapatid naman na nabalian ng bungo ay kabilang sa 62 katao na nasugatan.
Kung maaalala, ang 39-anyos na suspek na si Darrell Brooks ay umiyak nang sampahan siya sa korte ng limang bilang ng kasong intentional homicide.
Sinabi ng mga prosecutor na maaaring may magsasampa pa ng karagdagang mga kaso.
Nauna nang sinabi ng pulisya na nagmaneho sa isang “zig-zag pattern” si Brooks dahilan upang maraming tao ang nasagasaan.
Maaari naman magbayad ng $5m na piyansa ang suspek na mayroon umanong malawak na criminal background.