-- Advertisements --

Umakyat na sa 106 ang bilang ng mga nasawi dahil sa Wuhan corona virus.

Ayon sa Chinese health authorities, lahat ng mga namatay ay naitala sa kanilang bansa, habang may 44 namang nagpositibo mula sa iba pang bahagi ng mundo.

Sa kabuuan, nasa 4,275 na ang mga nagkaroon ng Wuhan corona virus.

Kaugnay nito, 30 syudad at probinsya na ang naglunsad ng Level I emergency response.

Habang ang Hong Kong ay nagdeklara ng “highest” emergency response.