Nagpahayag ng pagkadismaya ang pinuno ng Commission on Elections sa bayan ng Pateros matapos ang naging daily low turnout ng mga indibidwal na nag aavail ng voter registration.
Una ng inilunsad ng COMELEC ang voter registration noong Feb 12 ng taong ito at nakatakdang matapos sa Sept. 30.
Ito ay para na rin sa nalalapit na May 12, 2025 national and local elections.
The head of the Commission on Elections (Comelec) in the Municipality of Pateros expressed disappointment over the daily low turnout of people signing up for voter registration.
Ayon kay Pateros Election Officer Armando Mallorca, sa kabila ng kanilang panawagan sa publiko ay nananatili pa ring matumal ang mga taong nagtutungo sa kanilang tanggapan para mag rehistro.
Batay sa kanilang datos, ,ula Feb 12-22 aabot lamang sa 138 na tao ang naproseso para sa voter registration.
Ito ay may average na 14 person kada araw.
Ang bayan ng pateros ay may aabot sa 39,094 registered voters.
Ito ang pinakamaliit na LGU sa NCR na mayroong populasyon na aabot sa 65,227 batay sa 2020 Census na isinagawa ng Philippine Statistics Authority.