-- Advertisements --
bacolod city hall

BACOLOD CITY — Muling nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Patient No. 5 sa lungsod ng Bacolod.

Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay Vice Mayor El Cid Familiaran, kinumpirma nito na muling nagpositibo sa SARS-CoV-2 sa isinagawang second swab test ang 28-anyos na lalaking pasyente na mayroong travel history sa Estados Unidos at Manila.

Una na itong na-discharge sa ospital at pina-home quarantine na lang matapos na magnegatibo na sa coronavirus.

Sa pinakahuling tala ng Bacolod City Health Office, nananatili sa siyam ang bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan dalawa na ang namatay at lima ang gumaling na.

Inalis na rin ng city government ang pagdeklara nito sa apat na mga lugar sa Bacolod bilang ultra risk areas.

Sa ngayon, mayroon na lamang apat na mga lugar sa lungsod na naka-seal off.