-- Advertisements --
DOH FEB 3

Umakyat pa sa 80 ang bilang ng patients under investigation (PUI) dahil sa sakit na 2019 Novel-CoronaVirus (nCoV) mula Wuhan City, China matapos maitala ang unang fatality case nito sa Pilipinas.

Ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) nitong araw dahil pasok umano sa kategorya ng parehong sintomas at travel record mula Wuhan City ang nasabing bilang.

Ang walo dito, nagkaroon ng close contact sa mag-nobyang Chinese national na unang nag-positibo sa sakit, matapos makasabay sa eroplano nang bumiyahe rito sa Pilipinas.

Kung maaalala, idineklarang patay dahil sa nCoV ang 44-anyos na lalaking pasyente nitong Linggo. Ang unang kaso ng pagkamatay dahil sa sakit sa labas ng China.

Samantalang ang 38-anyos na babaeng kasintahan naman nito ay idineklarang unang nCoV patient sa Pilipinas noong nakaraang linggo. Pero nagpapagaling na raw ngayon ayon sa DOH.

Mula sa 80 PUI, 67 ang naka-admit pa sa mga ospital. Habang 10 ang nakauwi na.