-- Advertisements --

Inindorso ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) na sampahan ng patong-patong na reklamo ang mga opisyal ng Philhealth na isinasangkot sa katiwalian.

Ngayong hapon lamang nang magsampa ang NBI ng mga kaso laban sa mga tiwaling opisyal ng Philhealth.

Nag-ugat ang reklamo sa maanomalyang Interim Reimbursement Mechanism (IRM) ng Philhealth.

Ito ay kaugnay pa rin sa hindi umano pantay-pantay na distribusyon ng pondo sa mga ospital ngayong panahon mg Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Una nang ibinunyag ng mga testigo na aabot sa P15 billion ang pondo ng Philhealth ang ibinulsa umano ng mga tiwaling opisyal ng kagawaran.

Kabilang sa mga sinampahan ng reklamo sina:

  • Dating President and Chief Executive Officer Ricardo Morales
  • Executive Vice President and Chief Operating Officer Arnel de Jesus
  • Senior Vice President, Fund Management Sector Renato Limsiaco
  • Senior Vice President, Health Finance Policy Sector Israel Francis Pargas
  • PhilHealth Area ll Vice President Gregorio Rulloda
  • PhilHealth NCR accreditation subcommittee member Lolita Tuliao
  • Dr. Imelda Trinidad De Vera-Pe
  • Gemma Sibucao
  • Lailani Padua