-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD-12) na mahaharap sa patong-patong na kaso ang iilang katao sa lalawigan ng South Cotabato na dobleng nakatanggap ng social social amelioration program.

Ito’y matapos umabot sa kaalaman ng tanggapan na iilang indibidwal umano ay nakatanggap ng P10,000 na benepisyo ng SAP.

Inihayag ni DSWD-12 Regional Director Joel Espejo na kanila nang inihahanda ang kasong perjury at estafa laban sa mga ito.

Dagdag ng opisyal, malinaw na isa itong paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act (RA 11469).

Batay sa datos na pinanghahawakan ng DSWD, kanilang natukoy ang nasabing mga indibidwal matapos nakatanggap at kinunan ng P5,000 mula sa hiwalay na mga lugar.