BAGUIO CITY – Naisampa na sa City Prosecutor’s Office ng Baguio ang patong-patong na kaso laban sa pitong kadeteng suspek sa umano’y pagmaltrato kay Class 4th Cadet Darwin Dormitorio.
Batay sa affidavit of complaint, magsisilbing complainant ang “the heirs of Cadet 4th Class Darwin Dioso Dormitorio” kung saan magsisilbing representative ang kuya nitong si Dexter Dormitorio.
Magsisilbing respondents ang pitong kadete at limang empleyado at personnel ng Philippine Military Academy (PMA) na direktang may kinalaman sa pagmaltrato kay Cadet Dormitorio.
Ayon kay Atty. Jose Adrian Bonifacio, isa sa legal counsel ng pamilya Dormitorio, ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag RA No. 8049 as Ammended By RA No. 11053 o ang Anti Hazing Act of 2018; paglabag sa RA 9745 o ng Anti Torture Act of 2009; murder sa ilalim ng Acticle 248 ng Revised Penal Code at dereliction of duty sa ilalim ng Article 208. ng Revised Penal Code.
Magsisilbi ang 17 kadete ng PMA bilang witnessess sa pagmaltratong nangyari mula August 2019 hanggang September 17, 2019 sa loob ng akademya sa lungsod.
Tinanggap ng korte ang kasong isinampa dakong alas singko ng hapon nitong Martes.
Maaalalang kabilang sa mga suspek ay sina Cadet 3rd Class Felix Lumbag Jr., Cadets 3rd Class Shalimar Imperial, Cadet 1st Class Axl Rey Sanopao, Cadet 3rd Class John Vincent Manalo, Cadet 2nd Class Christian Zacarias, Cadet 3rd Class Rey David John Volante at Cadet 3rd Class Julius Carlo Tadena.