-- Advertisements --

Abot-abot ngayon ang paghingi ng paumanhin ng guard ng Milwaukee Bucks na si Patrick Beverley.

Kasunod ito ng mga insidente ng pambabato niya ng bola sa fans, pakikipagsagutan at umano’y pambabastos sa media na humihiling ng interview.

Ayon kay Patrick, pinagsisisihan niya ang mga naging aksyon at nangakong mas magiging maayos na siya sa darating na panahon.

“I have to be better, and I will be better. That should have never happened. Regardless of what was said, that should have never happened. Simple as that,” wika ni Beverley.

Gayunman, suspindido pa rin siya ng apat na laro nang walang bayad.

Naniniwala naman si Jae Crowder nadala lamang ng emosyon mula sa laro ang kaniyang kasamahan kaya nagkaroon ng magaspang na ugali.