-- Advertisements --

Nagretiro na sa paglalaro ang longtime national player na si Patrick Reinchelt.

Isinagawa nito ang anunsiyo matapos ang pagpasok ng Philippine Mens’ Football team sa semifinals ng ASEAN Cup.

Sa social media account nito ay naging emosyonal ang 36-anyos na winger.

Inalala niya na noong 24-anyos pa lamang ito ng kunin siya ng Azkals at nagwagi sila kontra Cambodia noong 2012.

Naging bahagi ang Fil-German forward sa Philippine Team ng mag-qualify sila sa AFC Asian Cup sa unang pagkakataon noong 2019.

Paliwanag nito na manganganak na kasi ang asawa niya at pinaghahandaan ang panibagong yugto sa buhay niya bilang isang ama.