Nakipagdalamhati sa lamay ni basketball legend Samboy Lim ang mga retiradong manglalaro na sina Alvin Patrimonio at EJ Feihl.
Kasalukuyang isinasagawa ang public viewing ng lamay ng “The Skywalker” sa Colegio de San Juan de Letran.
Inilarawan ni Patrimonio si Lim bilang “to-go guy” niya noong naging nagkasama sila sa koponan ng Philippine national team na sinabak sa Asian Games noong 1986 at 1990, kung saan nagwagi sila ng bronze at silver na medalya.
Inalala pa ni Patrimonio ang mga panahon na kung saan, Lim daw ang naging “leader” nila sa court, at marami siyang natutunan mula sa pumanaw na beterano.
Samantala, mananatili sa Colegio Chapel ang labi ni Lim hanggang December 28, ayon sa kumpirmasyon ng pamilya ng pumanaw na manglalaro at ng paaralan.