-- Advertisements --
TACLOBAN CITY – Nag-iwan ng isang sundalong patay ang nangyaring pag-atake ng pinaniniwalaang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa EJ Dulay, Laoang, Northern Samar.
Kinilala ang namatay na sundalo na si Corporal Alex Saliwan ng 63rd Infantry Battalion (IB).
Dalawa naman ang nasawi at anim ang sugatan sa panig ng NPA.
Ayon kay Capt. Ryan Al Velez, civil military operations officer 803rd brigade ng Philippine Army, inatake ng mahigit sa 50 rebelde ang patrol base ng 63rd IB na nagbabantay sa nagpapatuloy na konstruksyon ng Samar Pacific Coastal Road.
Nagtagal ng mahigit 30 minuto ang naging palitan ng putok ng magkabilang panig.
Sa ngayon ay patuloy ang hot pursuit operation ng mga otoridad sa insidente.