-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nakakulong na sa Alegria, Surigao del Norte ang carnapper na taga-Cebu City matapos na hindi pinatawad sa kanyang modus ang patrol car ng pulisya sabay takas.

Hanggang sa pagkakamot na lang ng ulo ang mga pulis dahil sa paglabas ng driver nito pasado alas-nuebe kagabi matapos umihi sa loob ng police station ay nawala na ang sasakyang ipinarada lang sa labasan rason na dali nilang inalarma ang kakapit na mga police stations.

Dahil dito’y nabigo ang carnapper na si Kim Bachiller Tabar, na taga-Cebu City matapos harangan ng pulisya sa bayan ng Gigaquit ng nasabi ring lalawigan rason na matagumpay na nabawi ang nasabing patrol car at ngayon ay nadetine na sa police station ng Alegria ang driver na siguradong mahaharap sa kaukulang kaso.