-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Ikinaalarma ng mga health officials ang patuloy ang paglubo ng kaso ng acute gastroenteritis sa ilang bayan sa Pangasinan kabilang dito ang bayan ng Calasiao.

Ayon kay Dr. Justin Bajao, ang Medical Office IV, ng Calasiao Municipal Health Office, may mga naitala na silang 190 na kaso ng gastroenteritis simula buwan ng Enero hanggang buwan ng Agosto.

Patuloy na nadadagdagan ang kaso ng naturang sakit hanggang sa kasalukuyan.

Dahil dito, gumagawa na ng kaukulang hakbang ang mga health workers at nakikipag ugnayan na sila sa LGU Calasiao upang maagapan at hindi na magtuloy tuloy na tumaas pa ito.

Ang acute gastroenteritis ay isang sakit na nakukuha mula sa kontaminadong pagkain o inumin na nagdudulot ng pagsusuka, pagkahilo, diarrhea at sakit sa tiyan.

Paalala naman ng doktor na palaging suriin ang mga binibiling pagkain at kumain ng mga masusustansya para iwas sa sakit.

Gayundin na ugaliin ang pagpatingin na agad sa mga brgy health workers kung nakakaramdam na ng sintomas ng naturang sakit.