Umani ng iba’t ibang reaction ang patuloy na pagtaas ng singil sa kuryente sa kabila ng pagbaba ng halaga ng coal sa lahat ng global price index.
Ayon sa ilang mga indibidwal, tila ba wala na silang magagawa sa sunod sunod na pagtaas ng singil sa kuryente lalo pa’t sobrang init ngayon at halos hindi na kaya pang tipirin ang kunsumo nito.
Sinabi ni Delfin Hernandez, dati raw ay nasa 1500 lamang ang binayaran nila sa kuryente ngunit ngayon ay naging 2000 na, malaki raw ang dinagdag nito kumpara sa dati nilang bill.
Pinapatay naman raw nila ang ilaw at electricfan kapag hindi ginagamit, pero ganun parin raw ang resulta.
Samantala, pareho naman ang naging pahayag ni Lito Arkiro, hindi aniya kakayanin tipirin dahil ito ang pang araw araw na ginagamit.
Sa patuloy na pag taas ng singil sa kuryente, malaki naman ang nagiging epektibo sa ordinaryong konsumer na sakto lang ang kinikita sa isang araw.
Panawagan ng mga consumer na sana raw ay masolusyonan itong problema nang sa gayon ay maibsan ang kanilang paghihirap.