-- Advertisements --
KALIBO, Aklan – Pinabulaanan ng pamunuan ng Kalibo International Airport ang napabalitang patuloy na tumatanggap ng direct flights ang nasabing paliparan papasok at palabas ng China.
Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)-Aklan manager Engr. Eusebio Monserate Jr., “fake news” aniya ang nasabing impormasyon na nagdulot ng takot sa gitna ng binabantayang 2019 novel Coronavirus acute respiratory disease (nCoV ARD).
Iginiit nito na mula noong Pebrero 2 ay kanselado na lahat ng mga flights sa mainland China, Hong Kong at Macau kasunod sa pinalawig na travel ban ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Umapela naman ito sa publiko na iwasan ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon na magdudulot ng panic sa lahat.