Pinasisiguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ibat ibang government agencies na ipagpatuloy ang pagtulong sa mga biktima ng Bagyong Aghon sa ibat ibang bahagi ng rehiyon sa bansa.
Pinasisiguro ni Pangulong Marcos sa DSWD, DA, DOH, na mabigyan ng tulong ang mga naging biktima ng Bagyong Aghon.
Sa kasalukuyan ang mga rehiyon na tinamaan ng Bagyong Aghon ay ang Region IV, V, VI, VII, at VIII.
Batay sa datos na ibinahagi ng Pangulo nasa 12,043 families ang apektado katumbas ng 26,726 persons, tatlong airport at saka 29 na seaport ang naging non-operational dahil nga sa pagdaan ng bagyo.
Anim na siyudad at bayan ang nawalan ng kuryente habang nagkaroon ng 13 insidente ng pagbaha at tatlong insidente ng landslides.
Nakapagpadala na rin ng mga relief goods ang gobyerno sa mga apektadong lugar.
Pagtiyak ng Presidente na hindi titigilan ng gobyerno ang pagbibigay ng tulong at suporta sa mga nasalanta at naging biktima ng Bagyong Aghon.