Tuluyan nang sinampahan ng kaso ng Bureau of Customs ang mga may-ari ng mga bodega sa Bulacan na nagho-hoard ng imported na bigas.
Ayon ay Bureau of Customs Legal Service Revenue Collection Monitoring Group Acting Director William Balayo, pormal nang kinasuhan ng agricultural smuggling cases ang mga ito nang dahil sa pagtatago ng mga imported na bigas.
Habang tatlo pa sa mga ito ay kinasuhan din ng economic sabotage.
Samantala, kaugnay nito ay patuloy naman tiniyak ng ahensya na magpapatuloy ang pagpupursige ng Bureau of Customs sa pagsawata ng smuggling ng anumang produkto sa ating bansa, partikular na sa bigas.
Matatandaan na noong Agosto 24, 2023 nadiskubre ng mga otoridad ang nasa 150,000 na sako ng imported na bigas na may katumbas na halaga na Php519-million nang lusubin ng mga kinauukulan ang naturang mga bodega sa Bulacan.