-- Advertisements --
pogo

Mga kasong paglabag sa RA 11332 (Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act) at PD 1602, RA 9287 (illegal number games) both in relation to RA 10175 ang isasampang kaso ng mga otoridad laban sa 92 mga banyaga na inaresto ng PNP CIDG Anti-Organized Crime Unit sa isinagawang operasyon sa Mariche Apartelle, Brgy. Mabolo 1, Bacoor, Cavite.

Nakatanggap kasi ng impormasyon ang CIDG na may mga Chinese nationals ang pakalat-kalat sa labas ng apartelle na hindi sumusunod sa quarantine protocols gaya ng hindi pagsuot ng face mask, pag-orbserba sa physical distancing at di pagsusuot ng pang-itaas na t-shirts.

Sa nasabing bilang, 90 dito ay mga Chinese nationals at dalawang Malaysians.

Nakumpiska sa nasabing operasyon ang 53 laptops, 102 unit cellpones, passport at nasa P5.3 million cash.

Nadiskubri rin ng CIDG na 48 sa mga banyaga ang nagtatrabaho sa online game habang ang iba ay pakalat kalat lamang.

Wala namang maipakitang dokumento ang mga banyaga gaya ng working permits at passports na legal ang kanilang online gaming operation.

Kasalukuyang ikinulong muna sa nasabing apartelle ang mga inarestong dayuhan, habang inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa mga ito.