Pinabulaanan ng isa sa mga lider ng grupong “Young Guns” ng Kamara de Representantes ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na hindi niya pinaghintay ng 17 oras ang mga kongresista sa nakatakdang plenary budget deliberations ng kanyang tanggapan noong Lunes.
Ang nilalaman umano ng sulat ay katulad ng laman ng sulat na ipinadala ng OVP sa House committee on appropriations na pinamumunuan ni Ako Bicolparty-list Rep. Zaldy Co, na ipinadala bago inaprubahan ng komite ang badyet ng Office of the Vice President at ipinadala sa plenaryo para sa panibagong deliberasyon.
Sa isang Faceboook post, sinabi ng OVP na fake news ang sinabi ni Kabataan Rep. Raoul Manuel na pinaghintay niya ng 17 oras ang mga kongresista. Kalakip ng post ang isang pahinang sulat ng OVP kay Adiong, na natanggap nito noong Setyembre 16, nang magsimula ang deliberasyon ng plenaryo sa panukalang badyet.