-- Advertisements --

Inanunsyo ngayon ng dating NBA star na si Marc Gasol na muli siyang maglalaro pero sa isang liga na lamang sa kanyang lugar sa bansang Spain.

Kung maalala si Gasol ay huling naglaro noong last season sa Los Angeles Lakers.

Kamakailan lamang naging bahagi rin siya ng national team ng Spain sa Tokyo Olympics.

Ayon sa 36-anyos na si Gasol, maglalaro pa rin sya hanggang sa huling season at doon sya magdedesisyon kung tuluyan na talaga niyang isasabit ang uniporme.

Si Gasol ang tumatayong owner at presidente ng Girona club sa Spain na kanyang itinatag noon pang taong 2014.

Samantala, walang laro ngayon sa NBA dahil sa malaking selebrasyon sa Amerika na holiday bilang taunang Thanksgiving Day.