Pumayag na umano si free-agent big man Pau Gasol na lumagda ng kontrata sa Portland Trail Blazers.
Ayon sa mga impormante, tatagal daw ng isang taon ang kontrata na nagkakahalagang $2.6-milyon.
Sa pahayag naman ni Gasol sa social media, sinabi nitong excited na raw ito sa bago nitong team.
Inaasahang idadagdag si Gasol sa center rotation na kinabibilangan nina Hassan Whiteside, Zach Collins at ni Jusuf Nurkic na nagpapagaling pa mula sa leg injury.
Matatandaang si Gasol ay tumagal na ng 18 NBA seasons kung saan nito nasungkit ang dalawang championships at anim na All-Star appearances.
Pumirma ito ng kontrata sa Milwaukee matapos ang buyout sa San Antonio Spurs noong nakaraang taon ngunit tatlong beses lamang itong naglaro sa Bucks bago magtamo ng foot injury.
Tinapos ni Gasol ang kampanya sa paglalaro lamang ng 30 games, at nagtala ng career-low average na 3.9 points at 4.6 rebounds.