-- Advertisements --

Labis na nasiyahan ang The Beatles fans matapos ang makitang magkasama sa isang stage ang original member nito na si Paul McCartney at Ringgo Starr.

Isinagawa ang tila ‘reunion’ ng dalawa sa O2 Arena sa London.

Ang nasabing konsiyerto ay siyang pang-huling pagtatanghal ni McCartney ng kanilang “Got Back”Tour.

Nagtanghal na kasi ang 82-anyos na si McCartney sa ilang mga lugar gaya sa France, Spain at Brazil.

Kinanta ng dalawa ang kanilang hitsong na “Helter Skelter” at “Sgt. Pepper’s Lonely Hearts Club Band”.

Bukod kay Ringgo ay naging guest din sa concert si Rolling Stone guitaritst Ronnie Wood na tinugtog nila ang patok na kantang “Get Back”.

Sa nasabing konsiyerto rin ay ginamit ni McCartney sa unang pagkakataon matapos ang mahigit 50 taonang kaniyang original na Hofner 500/1 bass guitar.

Ang nasabing gitara kasi ay ninakaw noong 1972 at muling naibalik kay McCartney nitong taon lamang.