-- Advertisements --

Kinuha ng Philadelphia 76ers si Los Angeles Clippers star Paul George.

Ayon sa kopona. na umabot sa $212 milyon free-agent contract sa loob ng apat na taon ang kontrata ni George.

Inaasahan na ito ay pormal na pipirma ng kontrata sa Hulyo 6 matapos na tanggalin na ang moratorium sa liga ng pagpipirma.

Dahil dito ay makakasama niya sina 2023 NBA Most Valuable Player Joel Embiid at All-Star Guard Tyrese Maxey.

Kinuha ng Sixers si George matapos na tanggihan nito ang player options sa kaniyang $48.7 milyon 2024-2025 contract sa Clippers.

May average ito ng 20.8 points sa 14-taon nito na naglaro kung saan bukod sa Clippers ay naglaro din ito sa Indiana Pacers at Oklahoma City Thunder.