-- Advertisements --

Nakatakdang maglabas ng solo album si dating The Beatles member Paul McCartney sa Disyembre.

Ang “McCartney III” ay koleksyon ng mga kanta na sinulat niya 50 taon matapos na unang lumabas ang unang solo album.

Ni-record ito ngayong taon sa Sussex sa southern England.

May ilang kanta dito ay mula sa dalawang naunang McCartney album niya na inilabas noong 1970 at 1980.

Huling album na inilabas niya ay noong 2018 na “Egypt Station”.