-- Advertisements --

Humanga ng maraming fans ng dating The Beatles member na si Paul McCartney dahil sa ipinakitang pagsayaw.

Isinagawa ng 82-anyos na singer ang sayaw noong ito ay dumalo sa concert ni Taylor Swift sa London.

Sa kumalat na video ay itinuro pa ni Swift si McCartney na nasa crowd.

Humanga si Swift sa galing ng pagsayaw ni McCartney kahit na sa edad na nito.

Kapwa nagbigay ng suporta ang dalawang singer kung saan magkasama sila sa magazine issue ng Rolling Stone noong 2021.