-- Advertisements --

Ibinunyag ni Beatles member Paul McCartney na si John Lennon ang nagpasimuno ng kanilang tuluyang paghihiwalay noong 1970.

Sinabi ng 79-anyos na si McCartney na nais pa rin niyang magpatuloy na tumugtog sa grupo subalit sila ay nagkawatak watak na.

Iginiit nito na hindi siya mismo ang nagpasimuno ng pagkawatak nila at mismong si Lennon ang may kagagawan.

Kung hindi lamang nagdesisyon daw si Lennon ay tiyak na patuloy pa rin ang kanilang ginagawang pagtugtog.

Sinabihan pa sila ng kanilang manager na si Allen Klein na isikreto ng ilang buwan ang paghihiwalay ng banda.