-- Advertisements --

Sinorpresa ni The Beatles member Paul McCartney ang ilang mga tao sa New York.

Nagmistulang instant concert ang nangyari ng bumisita ito sa Bowery Balllroom sa Lower Manhattan.

Sinabi ng 82-anyos na si McCartney na kakaiba ang nasabing karanasan dahil sa hindi gaano kalakihan ang lugar.

Huling nagtanghal kasi ito sa New York ay noong 2022 sa MetLife Stadium na may kapasidad na 82,500 na katao.

Bago nito ay inanunsiyo ni McCartney sa kaniyang social media ang pagtanghal sa New York subalit hindi niya binanggit ang eksaktong lugar.

Labis ang kasiyahan ng mga fans dahil sa kinanta nito ang mga hit songs ng The Beatles gaya ng “Let It Be”, “Hey Jude”, “Lady Madonna” at “Blackbird”.