SALT LAKE CITY – Bumida sa fourth quarter rally si Chris Paul para magtala ng come-from-behind win ang Los Angeles Clippers laban sa kanilang karibal na Utah Jazz, 111-106, sa Game 3 ng first round sa Western Conference playoffs.
Ang coach ng Clippers na si Doc Rivers ay todo bilib sa kanyang point guard na nagdala sa team sa 15-0 run para umabanse na sila sa 2-1 lead.
Nagawang makalusot ng Clippers sa tinaguriang “spectacular night” ni Gordon Hayward na umiskor ng career high na 40 big points.
Pwero pagsapit naman ng fourth quarter dito na dinomina ni Paul ang laro hanggang sa magtapos siya sa season high na 34 points.
Ang diskarte ni Paul at ni DeAndre Jordan na may 17 points at 13 rebounds ay epektibong napunan ang pagkawala sa kanilang team ni Blake Griffin na may injury mula sa second half ng laro.
Si Luc Mbah a Moute ay nagtala rin ng career playoff-high na 15 points.
Sa Lunes tatangkain ng Jazz na maitabla ang serye sa Game 4 na magaganap ang laro sa kanilang teritoryo.