-- Advertisements --

Nilinaw ng aktor na si Paulo Avelino na may kakayahan pa rin siyang mag-drive partikular ng motorsiklo sa kabila ng kinasangkutan niyang aksidente.

Ayon kay Avelino, handa siyang sumailalim sa kinakailangang therapy kahit pa batid nito ang mararamdamang kirot bunsod ng pagka-dislocate ng kanyang buto sa kanang balikat.

Hindi pa naman malinaw kung kailan naaksidente si Paulo at kung anong event ang kanyang sinalihan kung saan nag-crash daw ang kanyang minamanehong big bike.

Narito ang ilang pahayag ng 30-year-old actor:

“I am still fully capable of riding, but definitely at a slower pace due to minimal discomfort on my right shoulder.

Me thinking of the painful strengthening exercises I have to do @paceprehabandrecovery.”