-- Advertisements --
dead turtle
Patay na Pawikan

KALIBO, Aklan—Patay na nang makita ng mga mangingisda ang isang uri ng pawikan sa Puka Beach sa isla ng Boracay.

Ayon kay Haron Deo Vargas, Marine Biologist ng Local Government Unit (LGU)-Malay, nakitaan ng mga tama sa katawan ang Juvenile Green Turtle na pinaniniwalaang tinamaan ng bangka.

Kaugnay nito, minabuti ng kawani ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Malay PNP na ilibing ang naturang pawikan.

Maalala na kamakailan lamang ay isang sugatang Green Sea Turtle ang nasagip ng mga mangingisda matapos na matusok ng bala ng speargun.

Dahil sa malala na sugat ay lumalabas ang dugo habang humihinga na kalaunan ay namatay rin ito kung saan, kaagad na ibinalot sa puting tuwalya bago inilibing ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO)-Boracay.

Nabatid na maliban sa green sea turtle ay nagpakawala rin ang lokal na gobyerno ng Malay ng Olive ridley turtle (Lepidochelys olivacea) at mahigit sa 150 pawikan hatchlings sa dagat.