Pinag-aaralan na ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ang pagsasampa ng criminal complaints laban sa mga taong nasa likod ng pag-abandona sa mga alagang aso at pusa sa sinalakay na Lucky South 99 Philippine offshore gaming operator (POGO) hub sa Porac Pampanga.
Ayon sa PAWS, bumubuo na ito ng kaso laban sa ginawang pag-abandona sa 13 na aso at isang pusa sa loob ng compound.
Nakabatay ang kaso sa paglabag sa Republic Act 8485, o Animal Welfare Act,
Ayon sa grupo, naiwan ang mga alagang aso at pusa sa nakakalunos na sitwasyon, nakatali, naka-kandado, at nakakulong sa mga abandonadong kwarto nang wala man lang pagkain o tubig.
Marami sa mga ito umano ay nakitaan ng sakit at sinyales ng pagpapabaya, kasama na ang sintomas ng malnurishment na dala ng pag-abandona sa loob ng ilang araw.