Umaasa ang Malacañang na matututunan rin ng Pilipinas na magdaos ng isang mapayapang eleksyon.
Pahayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque sa gitna pa rin nang pag-aantay ng resulta ng isinagawang Presidential election ng Estados Unidos.
Sinabi ni Sec. Roque, sana ay matutunan rin ng mga Pilipino na magkaroon ng isang mahinahon at mapayapang halalan kung saan walang sinoman ang nasasaktan at wala ring sinoman ang nasasawi.
Samantala, una na ring sinabi ng Malacañang na walang problema kahit sino ang mauupo bilang susunod na pangulo ng Estados Unidos.
Ang Pilipinas at US naman umano ay matagal nang mayroong malalim na ugnayan sa isa’t isa at ito naman ay tinitiyak ng US State Department na nangangasiwa sa kanilang panlabas na pakikipag-ugnayan.