-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Magiging sentro ng panalangin ng mga kapatid na Muslim sa South Cotabato ang pagsisimula ng Ramadan o isang buwan na pag-aayuno ang kapayapaan sa darating na May 9 natoonal and local elections.

Ito ang inihayag ni Sultan Mutalib Sambuto, Muslim Affairs Chief ng South Cotabato sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Sambuto layunin ng kanilang pagsama sa panalangin ngayong selebrasyon ng Ramadan ang eleksiyon dahil nais din nilang maging payapa, malinis at matagumpay ang pagpili ng mga bagong uupong opisyal ng gobyerno.

Dagdag pa ni Sambuto, ngayong nasa Alert level 1 na ang ibang lugar sa probinsiya ay aasahan umano na babalik na sa normal ang kanilang selebrasyon gaya noong wala pang covid-19 pandemic.

At dahil sa ang Ramadan ay kabilang sa Five Pillars of Islam, obligado ang lahat ng mga kapatid na Muslim na nasa magandang pangangatawan na mag-ayuno maliban sa mga may-sakit at iba pang kapansanan.