-- Advertisements --

Malapit ng matanggap ang payment ng hindi pa nababayarang sahod ng 10,000 overseas Filipino workers na naapektuhan ng mga kompaniyan sa Saudi Arabia na nagsara matapos maugi halos 10 na ang nakakalipas.

Kaugnay nito, nag-isyu ng isang advisory ang Department of Migrant Workers (DMW) para sa mga claimants na makipag-ugnayan sa ahensiya at kanilang group leaders para ma-facilitate ang paglalabas ng payments.

Ayon kay DMW oic Hans Leo Cacdac, nakatanggap ang kaniyang opisina ng impormasyon mula sa Al Kheraiji law office kaugnay sa payments sa claims ng dating manggagawang Pilipino ng kompaniyang Saudi Oger at Mohammad Al Mojil Group.

Kung saan nailabas na aniya sa group leaders ng 2 kompaniya ang listahan ng mga manggagawa na kabilang sa unang batch na kwalipikado para sa payouts.

Kayat inaabisuhan ang mga manggagawa na makipag-ugnayan sa kanilang group leaders at kontakin ang DMW sa pamamagitan ng kanilang numerong 0920-5171059 o email na saudiclaims@dmw.gov.ph.