-- Advertisements --
Mas pinadali na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang payment system sa mga transaksyong dumadaan sa kanilang tanggapan.
Kabilang sa hakbang ang mas pinasimpleng requirements at consolidated issuances ng ahensya.
Base sa BSP Circular No. 1049, magkakaroon na ng baseline inventory sa lahat ng sakop ng payment systems ng Bangko Sentral para matiyak na mamo-monitor ito at mabibigyan ng angkop na patakaran.
Tiniyak din ng BSP na pasok ang kanilang polisiya sa ease of doing business na itinutulak ng Duterte administration at Republic Act (RA) No. 11127 o National Payment Systems Act (NPSA).