CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang Payong-payong driver sa pamamaril sa lungsod ng Cotabato.
Nakilala ang biktima na si Sabdullah Macarapin Cana alyas Troy, 32-anyos at residente ng Marquez Barangay Mother Poblacion Cotabato City.
Ayon kay Cotabato City Police Office (CCPO) Police Station 1 Commander Major John Vincent Bravo na habang minamaneho ng biktima ang kanyang ‘payong-payong’sa bahagi ng Purok Chrislam Almonte Extension Brgy Poblacion sa syudad ay bigla na lamang itong dinikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.
Mabilis namang tumakas ang mga salarin habang naisugod sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) ang biktima ngunit hindi na ito umabot ng buhay matapos magtamo ng maraming tama ng bala sa kanyang katawan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PP1 ng CCPO sa pamamaril patay sa biktima.